Date: 24 FEBRUARY 2010
Network/Station: ABS-CBN
Program / Time: UKG
Anchor/Host/Reporter: ALEX SANTOS AND PINKY WEBB
Topic/s: EDSA COMMEMORATION
Alex: Sir, unang una po, kayo po ba’y dadalo sa pagdiriwang po ng people power I? Unang una po yung gagawin pong re-enactment mamaya?
JPE: Nagpaumanhin po ako sa kanila, sapagkat marami na rin akong schedula ngayon, hindi ko maiiwasan kaya siguro hindi ako makakadalo ngayon. Mamaya nasa Pampanga ako ngayong umaga at sa Bulacan kaya sa taon na ito siguro hindi ako makakadalo.
Alex: Senate President, noong mga nagdaan pong Edsa People Power celebration, masasabi pa ho ba ninyo na dapat pa po nating i-celebrate pa ito?
JPE: Palagay ko dapat lamang, sapagkat meron naman tayong naganap doon sa pangyayaring ‘yon. Bumalik ang eleksyon natin. Tayo ngayon ay busy na nagkakampanya dahil may halalan at iyan ay isa sa mga dahilan kaya nagkaroon ng tinatawag Edsa I. At iyan ay isang bagay na tiningala ng buong mundo at tinularan nila upang sila’y magkaroon din ng kalayaan.
Alex: Opo. Ngayon po Senate President dumako po tayo sa reaksyon po ni Congressman Bongbong Marcos. Sinabi po nya, bigo ang People Power I para iangat ang estado po n gating bansa. Your reaction on this Sir.
JPE: Lahat yan ay kanya-kanyang paninging eh. Depende sa kung nasaan ka doon sa pangyayari na ‘yon. Nirerespeto ko yung kanyang opinion pero meron naman sigurong nangyari sa buhay ng mamamayan dito sa bayan ni Juan, dahil bumaba ang interes. Ngayon ang inflation natin ay mababa, marami ng high rise building, lumago ang ekonomiya, lumaki ang ekonomiya. Ang budget na natin ngayon ay P.5-trillion, at ang halaga ng piso ay bumaba, noong panahon naming ay talaga tumaas at ang interest 40%, eh talagang meron din naman at may kakulangan din. Sa sandatahang lakas, naging (voice fades for three seconds)posisyon ng mga militante, extended plan service ng pinuno at tuloy ang daloy ng promosyon ng mga tao. Marami ring kakulangan at humina yung pwersa ng Pilipinas, sandatahang lakas at air force ay naging kulang ang kagamitan. Maybe ganun din, ang matatag na na pwersa ng ating bansa ay yung ating militar. At yung reporma sa lupa ay umiiral pero meron pa rin mga problema. At ang galaw ng gobyerno natin medyo mahina at marami pa rin hindi karapat-dapat na nangyayari sa pamamahala sa bansa natin. Kaya palagay ko dapat ‘wag na nating gagawin na isyu ito at pulitika. Nangyari nay an, ipaubaya nalang natin sa kasaysayan ng ating bansa yung mga susulat ng kasaysayan ng ating bansa na walang interes na pulitika kundi usisain kung ano ang nangyari at ano ang resulta.
Pinky: Sir mabilisan lang po, gusto ko sanang makuha ang inyong reaksyon kung meron man dito sa hinggil dito sa naging desisyon ng Korte Suprema dito nga sa deemed resign dito sa mga cabinet officials na nag-file na ng kanilang certificate of candidacies Sir.
JPE: Alam mo talagang ganyan yan eh, pag nagfile ka ng COC, you’re supposed to be deemed resign. Pero ang problema dyan ay binago yung sistema ng halalan at naging early yung pagpa-file ng COC, kaya palagay ko dapat ang desisyon dy ay yung mga appointed officials ay dapat, they should’ve resigned on the date originally considered na filing of COC, hindi doon sa dahil gusto nating matupad yung automation. Db? Sapagkat ‘yon po ang patakaran magsimula pa noong under the 1935 Constitution, under the 1973 Constitution. Ganyan din under the 1987 Constitution. Hindi naman kasalanan ng mga tao na gagawing early an pagpa-file ng COC so there’s a real problem there.
Pinky: Ok. Senate President Juan Ponce Enrile, maraming maraming salamat po.



